MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Far Eastern University (FEU) Manila ang mga klase nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 23, kasunod ng iniulat na bomb threat sa campus.
Bilang pag-iingat, sinabi ng FEU na nakikipag-ugnayan na ang Safety and Security Office nito sa mga kinauukulang awtoridad habang isinasagawa ang kinakailangang security procedures.
Pinayuhan din ang mga estudyante, faculty members, empleyado at support staff na lumikas nang mahinahon at maayos mula sa campus at sundin ang mga tagubilin ng security personnel.
Wala pang inilalabas na detalye ang unibersidad hinggil sa pinagmulan o kredibilidad ng iniulat na banta.
Sinabi ng FEU na ilalabas sa mga opisyal nitong communication channels ang susunod na updates kaugnay ng insidente. RNT