Home NATIONWIDE Fil-Am activist Chantal Anicoche natagpuan sa Occidental Mindoro

Fil-Am activist Chantal Anicoche natagpuan sa Occidental Mindoro

308
0

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ng human rights group Karapatan ang sinasabing “rescue” sa Filipino-American activist na si Chantal Anicoche, na kamakailan ay natagpuan ng militar sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro matapos iulat na nawawala noong Bagong Taon.

Ayon sa AFP 203rd Infantry Brigade, nailigtas umano si Anicoche noong Huwebes, bagay na inilabas pa sa isang video. Subalit sinabi ni Karapatan secretary general Cristina Palabay na posibleng “staged” ang naturang video at ginawa lamang umano ito dahil sa lumalakas na panawagan, kabilang mula sa mga opisyal ng Estados Unidos, na ilantad ang kinaroroonan ng Fil-Am activist.

Si Anicoche, 25, ay isang community leader mula sa Maryland, US, at nasa Occidental Mindoro para sa isang solidarity mission nang mawala matapos umano siyang maipit sa engkuwentro ng militar at New People’s Army (NPA) noong Enero 1.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng militar si Anicoche at isinasailalim sa medical at psychosocial assessment, ayon sa Philippine Army 2nd Infantry Division. Posible rin umanong maisampa ang mga kaukulang kaso habang nagpapatuloy ang debriefing.

Samantala, humarap din sa media ang ina ng yumaong si Jerlyn Rose Doydora, ang estudyanteng nasawi dahil sa karamdaman habang nasa lugar ng engkuwentro. Inihayag ng kanyang pamilya ang patuloy na dalamhati sa sinapit ng dalaga.

Tinuligsa naman ng Karapatan ang paratang ng “terror grooming” laban sa ilang grupo, iginiit na ginagamit umano ito upang supilin ang karapatan ng kabataan sa malayang pag-iisip. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here