NAGTAPOS sa 1-1 na tabla laban sa Myanmar ang Filipinas nitong Miyerkules ng gabi, ngunit hindi sapat ang resulta upang makapasok sila sa semifinals ng ASEAN MSIG Serenity Cup 2025.
Kinailangan ng koponan na manalo ng dalawang goal upang makausad sa susunod na yugto, ngunit hindi ito nakamit. Dahil sa resulta, nawala sa Pilipinas ang kanilang titulo bilang kampeon ng regional tournament.
Nanguna ang Myanmar sa Group B na may pitong puntos mula sa dalawang panalo at isang tabla, at makakaharap nila ang Thailand sa semifinals.
Nakapasok din ang Australia U23 sa semifinals matapos tambakan ang Timor-Leste, 9-0, at nagtapos sa ikalawang puwesto sa Group B na may anim na puntos. Makakalaban nila ang Vietnam, na nanguna sa Group A, sa paglalabanan para sa puwesto sa finals. GP