Home SPORTS Filipinas umiskor ng dramatic win vs Vietnam

Filipinas umiskor ng dramatic win vs Vietnam

289
0

MANILA, Philippines – BUHAY pa ang semifinal hopes ng Filipinas matapos ang 1-0 panalo kontra reigning champion Vietnam sa women’s football ng SEA Games sa Thailand.

Si Mallie Ramirez, na nasa kanyang unang senior tournament, ang tumira sa rebound sa stoppage time para sa panalong nagbigay sa Pilipinas ng share sa second place sa Group B.

Makakaharap ng Pilipinas ang Malaysia sa huling laro sa group stage, habang Vietnam naman ay sasagupa sa Myanmar sa December 11.

Si Ramirez din ang naka-iskor sa 2-1 loss ng Filipinas sa Myanmar, kung saan late goal ang bumawi sa koponan.

Bagama’t parehong may tatlong puntos, lamang pa rin ang Vietnam sa goal difference (+6) habang nasa 0 ang Pilipinas habang nangunguna ang Myanmar matapos ang dalawang sunod na panalo.GP/JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here