Home SPORTS Alas Women inaming uhaw sa korona

Alas Women inaming uhaw sa korona

272
0

MANILA, Philippines – Humaharap sa mabigat na pagsubok ang Philippine volleyball sa SEA Games sa Thailand, sa kabila ng kasalukuyang kasikatan ng sport sa bansa.

Dalawampung taon nang hindi nakakakuha ng podium finish ang women’s team, na ngayon ay kilala bilang Alas.

Ngunit umaasa si team captain Jia de Guzman na malalampasan na ang matagal na tagtuyot.

Ayon kay de Guzman, kulang sa preparasyon ang koponan kumpara sa ibang bansa, ngunit hindi raw nagbabago ang araw-araw na pagsusumikap ng bawat atleta at coach.

Mahigit isang taon na mula nang inilunsad ang Alas Pilipinas program, na nagbigay ng istruktura mula grassroots hanggang elite level, bagay na matagal nang kailangan ng national team.

Naniniwala si de Guzman na ang kanilang pinagdaanan—lineup issues, limitadong ensayo—ay maaaring maging sandigan para sa mas matatag na kampanya sa Thailand.GP/JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here