Home SPORTS Ika-apat na SEA Games target ni EJ Obiena

Ika-apat na SEA Games target ni EJ Obiena

284
0

TARGET ni EJ Obiena ang kanyang ika-apat na sunod na gold medal sa men’s pole vault sa Southeast Asian Games sa Bangkok.

Kabilang si Obiena sa opisyal na listahan ng Philippine delegation, kahit na dati niyang sinabi na handa siyang magbigay-daan sa ibang Filipino pole vaulters.

Ngunit nagbago ang plano at inaasahang magiging paboritong manalo si Obiena batay sa kanyang season best na 5.80 meters at personal best na 6.00 meters.

Makakatapat niya si Patsapong Amsang-ang ng Thailand, na may 2025 season best na 5.67 meters, sa event na gaganapin sa December 16 sa Supachalasai Stadium.

Kasama ni Obiena si Elijah Cole sa pole vault, habang lalaban naman si Hokett Delos Santos sa decathlon para sa Pilipinas.GP/JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here