MANILA, Philippines – Ipinakita ng Department of Education (DepEd) ang mga Filipino-led AI initiatives sa pampublikong edukasyon sa AI Impact Summit sa New Delhi, India.
Sa pamamagitan ng Education Center for AI Research (ECAIR), inilatag ang isang pambansang framework para sa responsable at malawakang paggamit ng AI sa buong sistema ng paaralan.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, “At DepEd, we are deliberate about building AI that strengthens public institutions, protects our learners, and delivers measurable results at scale.”
Binanggit din ni ECAIR Governance Lead Elmo Domino Jose na kahit maliit na pagtaas sa efficiency ay malaking epekto sa higit 24 milyong mag-aaral, at nakakatipid ito ng milyon-milyong oras ng guro para mas makapagtuon sa pagtuturo.
Ipinakita rin ang mga AI tools gaya ng SIGLA, na nag-aautomat ng school health monitoring, at SABAY, isang digital triage system na sumusuporta sa 48,000 pampublikong paaralan, lalo na sa mga batang mag-aaral.
Binigyang-diin ng ECAIR ang kahalagahan ng teknikal na kahandaan, malinaw na pamamahala, at transparency para mapanatili ang tiwala ng publiko. Ang Pilipinas ang nag-iisang bansa sa Timog-Silangang Asya na napili sa AI Observatory’s Ministry of Education AI Challenge, na suportado ng UK FCDO.
Ayon kay ECAIR Managing Director Dr. Erika Fille Legara, “We co-design systems grounded in school realities while learning from global experience.”
Layunin ng DepEd na ipakita ang Pilipinas bilang leader sa responsible AI adoption sa edukasyon, na nagpapahusay sa productivity ng guro, sumusuporta sa mag-aaral, at nagpapalakas sa pampublikong paaralan. RNT/MND