Home NATIONWIDE Filipino Magna Carta of Seafarers ipinapawalang-bisa sa SC

Filipino Magna Carta of Seafarers ipinapawalang-bisa sa SC

MANILA, Philippines- Ipinadedeklara sa Supreme Court (SC) ng grupo ng mga seafarer na labag sa Saligang Batas ang ilang probisyon sa Filipino Magna Carta of Seafarers.

Kabilang sa mga petitioner ay ang Concerned Seafarers of the Philippines (CSP), International Seafarers Action Center (ISAC), at mga seafarer na sina Joel Almelor, Mark Garcia, at Anecito Lague na mga biktima ng pag-atake ng Houthi pirates.

Hiniling sa petisyon na maglabas ang SC ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction laban sa pagpapatupad ng Magna Carta at ang implementing rules and regulations (IRR) nito habang nakabinbin ang kanilang petisyon.

Nais din ng mga petitioner na ideklara ng korte ang Section 59 ng Magna Carta na walang bisa at unconstitutional.

Sa Section 59, ang mga seafarer ay kailangan maglagak ng bond bilang kondisyon sa monetary award habang nakabinbin ang appeal o review.

Maliban dito, nais ng petitioners na ideklara ng SC ang magna carta na null and void. Teresa Tavares