Home METRO P1.5M ilegal na abono nasamsam

P1.5M ilegal na abono nasamsam

169
0

ENRILE, Cagayan- Umaabot sa P1,530,000 ang halaga ng mga ilegal na produktong pang-agrikultura o abono ang nasamsam ng mga awtoridad sa Brgy. 2 Centro, Enrile, Cagayan.

Ito ay kasunod ng inilatag na operasyon na pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cagayan Provincial Field Unit na nagbunsod sa pagkakadakip ng mga suspek na sina Alyas Roger, Alyas Romeo, at Alyas Edgar.

Napag-alaman ang ilegal na pagbebenta ng mga suspek ay hindi rehistrado na mga abono ay mabilis silang naglatag ng buy-bust operation.

Nasamsam ang 12 kahon na naglalaman ng tig-anim na gallon ng “Grow E All-in-One” bio-organic liquid fertilizer, tatlo pang karagdagang kahon na naglalaman ng 24 na tig-isang litrong galon ng kahalintulad na produkto, isang cellphone, isang mailing envelope, at ang pick-up truck na ginamit ng mga suspek.

Kinumpirma ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) na ang mga narekober na produkto ay hindi rehisrado kaya agad itong kinumpiska ng mga awtoridad.

Ang mga nahuling suspek ay nahaharap na ngayon sa kasong may kaugnayan sa paglabag sa Presidential Decree (PD) 1144 o Fertilizer and Pesticide Authority Law.

Samantala, ang matagumpay na operasyon ay dahil din sa pakikipagtulungan ng Enrile Municipal Police Station, Provincial Intelligence Team- Isabela, Provincial Intelligence Unit- Cagayan PPO, Regional Intelligence Unit 2, at FPA Region 2. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here