Home NATIONWIDE Final testing, sealing ng ACMs sa Zambo Sibugay sinuspinde sa bakbakan

Final testing, sealing ng ACMs sa Zambo Sibugay sinuspinde sa bakbakan

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang final testing at sealing ng automated counting machines (ACMs) sa voting center sa Zamboanga Sibugay matapos magka-engkwentro ang militar at hindi kilalang armado, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia.

Hindi binanggit ni Garcia sa Kapihan sa Manila Bay forum kung anong bayan ang apektado.

Gayunman, sinabi na ang final testing at sealing ng ACMs ay sinuspinde upang masiguro ang kaligtasan ng mga empleyado ng Comelec at mga saksi sa aktibidad.

Nauna nang sinabi ni Garcia na ‘all systems go’ na ang Comelec para sa 2025 national and local elections.

Sinabi rin ni Garcia na ang final testing at sealing ay hanggang Mayo 7 na lamang. Jocelyn Tabangcura-Domenden