Home NATIONWIDE Malawakang rally ilulunsad sa Tacloban ng Lakas CMD

Malawakang rally ilulunsad sa Tacloban ng Lakas CMD

Sinalubong ng mga Bulakeño ang grand rally ng Alyansa ng Bagong Pilipinas sa San Jose Delmonte, Bulacan kung saan ay ipinakilala ni Pangulong Ferdinand Marcos ang kanyang 12 kandidato sa pagka-senador. Cesar Morales

MANILA, Philippines – Target ng Tingog Partylist at Lakas CMD na makakuha ng tatlong milyong boto pabor sa sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa isasagawang malawakang rally sa Tacloban City sa Huwebes, Mayo 8.

Ang Eastern Visayas rally ay tatampukan ng pagdalo ng 6 na provincial governors, 13 district lawmakers, 10,000 community leaders at volunteers, 7 city mayors, at 136 municipal mayors mula sa ibat ibang partido.

“This is the unified voice of a region that has found strength and clarity in President Bongbong R. Marcos Jr.’s vision of a Bagong Pilipinas. When leadership takes root in the grassroots, governance flourishes at the national level,” paliwanag ni Tingog Party-list Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre.

Ang grand assembly ay sisimulan sa isang motorcade na susundan ng unity program na gaganapin sa Tacloban Astrodome kung saan imbitado ang 11 senatorial candidates ng Alyansa.

Ang Eastern Visayas ay mayroong
3 million registered voters.

“This gathering is not just participation—it’s declaration. Eastern Visayas will not only vote; we will lead,” dagdag pa ni Acidre.

Sinabi pa ni Acidre na ang pagtitipon na pangungunahan ng partido sa Eastern Visayas ay pagpapakita din na ang prayoridad ng rehiyon ay nakaangkla sa plataporma na nakatuon sa trabaho, edukasyon, kapayapaan at matatag na ekonomiya. Gail Mendoza