Home NATIONWIDE Final version ng Maritime Zones Bill aprubado ng Bicam

Final version ng Maritime Zones Bill aprubado ng Bicam

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng bicameral conference committee nitong Miyerkules, Hulyo 17 ang pinal na bersyon ng Maritime Zones Bill.

Sa ambush interview, sinabi ni Senador Francis Tolentino, principal sponsor ng panukala, na kabilang sa pinal na bersyon ang Palawan at Philippine Rise.

“Ni-reconcile natin ‘yung sa internal waters at saka archipelagic waters which is legal and technical. Okay na ngayon,” aniya.

“For signing na rin ‘yon ni Presidente kasi sinabi niya ‘yon sa Singapore na kailangan i-approve,” dagdag ni Tolentino.

Ipinaliwanag ng senador ang pangangailangan para sa pagpasa ng panukala sa pagsasabing lilinawin nito ang Karapatan ng bansa sa teritoryo nito.

“Maliwanag ‘yung karapatan natin kung saan ‘yung boundary. Maliwanag ‘yung may batas kung saan pwede maglayag, mangisda,” ayon kay Tolentino.

Nauna nang nagpahayag ng suporta ang ilang ahensya ng pamahalaan kabilang ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Energy (DOE). RNT/JGC