Home IN PHOTOS Fire prevention month safety seminar sa Las Piñas pinangunahan ni Villar

Fire prevention month safety seminar sa Las Piñas pinangunahan ni Villar

Sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month, na may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa”, pinangunahan ni Senator Cynthia A. Villar kasama ang Bureau of Fire Protection ng Las Piñas City, ang pagsasagawa ng fire safety seminar at fire drill demonstration sa Las Piñas ngayong Sabado, Marso 10.

Natutunan ng mga kalahok na nagmula sa iba’t ibang barangay ang mga pamantayan sa kaligtasan at mga hakbang sa pag-iwas upang mabawasan, maibsan at mabawasan ang paglaganap ng sunog sa kanilang mga tahanan at komunidad.(CESAR MORALES)

Previous article2 babaeng tulak kulong sa P100K shabu sa Caloocan
Next article5 bumabatak timbog ng mga parak