Home METRO 5 bumabatak timbog ng mga parak

5 bumabatak timbog ng mga parak

Bulacan – Arestado ang limang hindi pinangalanang indibiduwal matapos umanong maaktuhang bumabatak sa pagsalakay ng pulisya sa lungsod ng Meycauayan.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, nangyari ang pagsalakay sa pot session bandang 7:34 ng gabi nitong Marso 7 sa Brgy. Saluysoy.

Ayon sa report, isang tawag ang natanggap ng Meycauayan police station mula sa isang concerned citizen na nagsabing may nagaganap na pot session sa lugar kaya sinalakay nila ito.

Dahil dito, naaktuhan nila ang limang katao na sumisinghot ng pinaghihinalaang shabu sa lugar kaya agad nila itong inaresto.

Narekober sa lugar ang dalawang aluminum foil strip, dalawang rolled foil strip na may shabu residue, disposable lighter, cut- opened plastic sachet, limang plastic sachets na kapwa pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng 1.4 grams at nagkakahalagang P9,520.00.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)

Previous articleFire prevention month safety seminar sa Las PiƱas pinangunahan ni Villar
Next articleEstudyante pinasok sa selda sa P1.1M droga