Home NATIONWIDE Firecracker-free new year ipinanawagan ng ilang grupo para sa kalikasan, hayop

Firecracker-free new year ipinanawagan ng ilang grupo para sa kalikasan, hayop

317
0

MANILA, Philippines – Muling nanawagan ang mga environmental at animal welfare groups na ipagdiwang ang Bagong Taon nang walang paputok at fireworks, dahil delikado ito sa hayop, tao, at kalikasan.

Isinagawa ng EcoWaste Coalition at Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang kampanya sa pamamagitan ng “Iwas PapuToxic” activity noong Linggo sa Ayala Malls Vertis North sa Quezon City, kung saan sumali ang mga pet owners at kanilang mga alaga sa isang maikling parada sa loob ng mall upang ipaalala ang panganib ng malalakas at nakalalasong selebrasyon.

Ayon kay PAWS executive director Anna Cabrera, ang malalakas na pagsabog tuwing Bagong Taon ay nagdudulot ng stress at trauma sa mga hayop, lalo na sa mga aso na mas sensitibo sa tunog kaysa tao. Idinagdag niya na ang mga alagang hayop na nasa labas ay mas delikado, kaya pinapayuhan ang mga may-ari na ilagay ang kanilang aso sa loob ng bahay.

Bukod sa hayop, ipinunto rin ng mga grupo ang panganib sa kalusugan at kapaligiran. Ayon sa EcoWaste Coalition, ang selebrasyon ng Bagong Taon ay nagdudulot ng pagtaas ng polusyon sa hangin mula sa toxic smoke at fine particles, na maaaring makaapekto sa mga bata, matatanda, at may sakit sa baga.

Hinihikayat ni EcoWaste national coordinator Aileen Lucero ang publiko na gumamit ng mas ligtas at non-toxic na paraan, tulad ng reusable noisemakers mula sa household o recycled materials, imbes na paputok.

Ayon sa mga grupo, ang pagdiwang nang walang fireworks ay makatutulong na maiwasan ang pinsala, mabawasan ang basura at polusyon sa hangin, at mailigtas ang mga hayop mula sa takot, habang maari pa ring ipagdiwang ang pagdating ng 2026 sa malikhaing paraan.

Ang “Iwas PapuToxic” campaign ay isinasagawa taun-taon mula 2006 at sumusuporta sa pagsisikap ng gobyerno na mabawasan ang pinsala at polusyon dulot ng paputok tuwing holiday season. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here