Home HOME BANNER STORY Fireworks-related injuries umakyat na sa 231 – DOH

Fireworks-related injuries umakyat na sa 231 – DOH

MANILA, Philippines – Pumalo na sa 116 ang iniulat na fireworks-related injuries sa bansa sa pagdiriwang ng holiday season ayon sa Department of Health (DOH).

Sa pinakahuling surveillance ng DOH ang nasabing bilang ay na-admit mula alas-6 ng umaga ng Disyembre 31 Hanggang alas-5:59 ng umaga ng Enero 1.

Sinabi ni Health Sec. Ted Herbosa na maaari pang tumaas ang bilang dahil may mga pumapasok pang reports kaugnay sa FWRI.

“Baka madagdagan pa ho ito sapagkat kung minsan, nade-delay ang pag-report ng ating sentinel sites or hospitals,” sabi ng kalihim sa press conference.

Umabot na sa kabuuang 231 fireworks-related injuries ang naiulat na simula nang simulan ng DOH ang monitoring nito noong Disyembre 21.

Karamihan sa mga kaso o halos lima sa bawat sampung kaso ay nagmula sa National Capital Region sa 113.

Kasama sa bagong batch ng mga kaso ang pinakabatang biktima sa ngayon—isang 11-buwang gulang na sanggol mula sa NCR na ang mukha at kanang mata ay nasunog ng iligal na paputok na tinatawag na “piccolo,” na sinindihan ng ibang tao sa kalye.

Naitala rin ng DOH ang pinakamatandang biktima—-isang 76-anyos na lalaki mula sa Ilocos Region na nagtamo ng mga sugat sa kanang mata dahil sa kwitis na siya mismo ang nagsindi sa bahay.

Tatlong bagong kaso ng amputation o pagkaputol ng daliri ang naitala din, kaya umabot na sa 11 ang kabuuang kaso nito.

Walang karagdagang mga ulat ng ingestion o pagkalunok ng paputok sa ngayon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleZombie, namilipit ang dila sa Penduko!
Next articlePresyo ng LPG tumaas sa unang araw ng 2024