Home ENTERTAINMENT Zombie, namilipit ang dila sa Penduko!

Zombie, namilipit ang dila sa Penduko!

Manila, Philippines- Of course, pamilyar na sa mga tagapanood ng TV si Zombie.

Daniel Oke sa tunay na buhay, siya ang Nigerian vlogger na regular na napapanood sa E.A.T. sa TV5.

Si Zombie pala ay bahagi ng entry ng Viva Entertainment sa MMFF na Penduko na pinagbibidahan ni Matteo Guidicelli.

Ang tanong: from start to finish ba ang partisipasyon doon ni Zombie?

Sagot: may tatlong eksena lang siya roon where he plays Kuya Mon, isang siga-sigang gangster.

Nakakatawa niyang kuwento, nang ialok daw sa kanya ang pelikula’y dalawang araw raw siyang hindi nakatulog.

No, it wasn’t because he couldn’t wait to show up at the scheduled shooting.

Ang totoo raw, the reason why Zombie had two sleepless nights ay dahil namumumbroblema siya kung anong gagawin niya roon, gayong hindi nga raw siya marunong magbasa ng Tagalog?

Siya na rin daw ang lumutas ng kanyang problema on his own.

Upon getting hold of the script, ginoogle Translate daw niya ang mga Tagalog lines doon to English.

Dahil meron daw isang makapilipit-dilang linya raw sa script na hirap na hirap siyang bigkasin, the film director daw was kind enough to replace it with a much easier line.

Ang tanong: Magkaroon kaya ng kasunod na pelikula si Zombie? Ronnie Carrasco III

Previous article2 patay sa paputok, ligaw na bala sa pagsalubong sa Bagong Taon – PNP
Next articleFireworks-related injuries umakyat na sa 231 – DOH