MANILA, Philippines – Hinamon ni Senadora Imee Marcos ang kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sumailalim sa isang hair follicle drug test para iwaksi ang mga akusasyon na siya at ang First Family ay gumagamit umano ng ipinagbabawal na gamot.
Ginawa ng senadora ang pahayag matapos itanggi ni House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang mga alegasyon ng kanyang tita na sila ay gumagamit umano ng ipinagbabawal na gamot, at sinabing ang kaniyang ginawang pahayag ay “not a conduct of a true sibling”.
“Gustong paingayin ni Sandro ang usap-usapang hindi ako tunay na kapatid. Isa lamang ang solusyon: Magpapa-DNA test ako, magpa-hair follicle test sila,” pahayag ni Imee sa isang Facebook post.
Sa kanyang pagsasalita sa rally ng Iglesia Ni Cristo sa Quirino Grandstand noong Lunes ng gabi, inakusahan ni Imee ang kanyang kapatid, ang Unang Ginang at ilang kaibigan ng Pangulo ng paggamit ng ilegal na droga.
Tinanggihan ng Malacanang ang mga paratang bilang isang “desperate move”.
“This is definitely a desperate move. Ang pinag-uusapan sa peace rally ay patungkol sa di umanong korapsyon. Ano ang dahilan ni Senator Imee na ang sariing kapatid ay siraan niya?” ayon kay Castro. RNT/MND