MANILA, Philippines – Narekober ng mga awtoridad noong Lunes ang anim na hinihinalang buto ng tao mula sa Taal Lake sa Batangas sa gitna ng patuloy na paghahanap sa mga nawawalang sabungero.
Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na anim na buto ang narekober nitong Lunes, kasama ang ilang pirasong damit at isang sako na gawa sa tela.
Sinabi ng PNP na itinurn-over na ang mga buto sa Scene of the Crime Operatives para sa pagsusuri.
Noong Oktubre 12, iniulat ng Department of Justice na humigit-kumulang 887 mga buto ng tao ang narekober mula sa ilalim ng Taal Lake.
Nagsimula ang paghahanap sa Taal Lake matapos na ireklamo ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan na mahigit 100 sabungero ang dinukot, pinatay, at itinapon sa lawa. RNT/MND