Home NATIONWIDE First Lady Liza, mga ina binati ni PBBM ngayong Mother’s Day

First Lady Liza, mga ina binati ni PBBM ngayong Mother’s Day

MANILA, Philippines- Mayroong mensahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Linggo para sa lahat ng ina, kabilang si First Lady Liza Araneta-Marcos, para sa Mother’s Day.

Sa isang Instagram post, binigyang-pugay ng Pangulo ang kanyang asawa, na aniya, “not only fills our home with love but stands ready to defend her family at any turn.”

“We are incredibly lucky to have you by our side. Your strength and compassion not only safeguard our family but also uplift our entire nation,” ani Marcos sa caption ng kanilang family photo.

Si Liza Marcos ang ina ng tatlong anak ng Pangulo na sina Sandro, Simon, at Vincent.

Gayundin, binati ng Pangulo ang lahat ng mga nanay, kabilang ang single moms at ama na ginagampanan ang papel ng pagiging ina.

“[N]ais kong iparating na ang inyong walang sawang pagmamahal at mga sakripisyo ay siyang nagbibigay liwanag sa ating buhay, at nagpapatibay sa ating lipunan,” ani Marcos sa hiwalay na post sa Instagram.

“Ngayon, ipinagdiriwang natin ang bawat isa sa inyo. Happy Mother’s Day!” RNT/SA