Home NATIONWIDE Validators ide-deploy para sa food stamp program – DSWD

Validators ide-deploy para sa food stamp program – DSWD

MANILA, Philippines- Nakatakdang mag-deploy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga validators para sa rehistrasyon at balidasyon ng 300,000 target na pamilya bilang paghahanda sa ‘full-scale implementation’ ng “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” sa darating na Hulyo.

Sinabi ni DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay na ang programa ay mayroong three- to four-year run kung saan ang gobyerno ay magbibigay ng karagdagang pagkain para sa mga tinukoy na isang milyong food-poor families, o limang milyong indibiduwal.

“We already hired the needed staff in our areas of implementation, 10 regions po ‘yun and 21 provinces na 300,000 ‘yung families ang ating target,” anito.

Sinabi pa ni Punay na ang ahensya ay tatanggap ng mas mababa sa 1,000 validators sa mga pangunahing lugar.

Aniya pa, ang pilot implementation, kabilang ang 3,000 pamilya ay nagsimula noong nakaraang Disyembre at nakatakdang tapusin ngayong buwan.

Ang pondo, sa pamamagitan ng $3-million grant, ay mula sa Asian Development Bank (ADB), kung saan ang programa ay magbibigay ng electronic benefit transfer (EBT) cards na may kargang food credits na nagkakahalaga ng P3,000 kada buwan para pambili ng piling nakalistang food commodities mula DSWD-registered o accredited retailers.

Nakalaan ang bulto ng food credits para sa carbohydrate-rich foods gaya ng bigas na P1,500, 30% para sa protina gaya ng kartne na P900, at 20% para sa prutas at gulay, oil, asin, at maging condiments na P600.

Sa kabilang dako, tatakbo ang programa hanggang 2027 at nangangailangan ng P40 bilyon, target kasi nito ang isang milyong food-poor families o iyong mga kuimikita na mas mababa sa P8,000 kada buwan.

Samantala, unti-unti namang itataas ng DSWD ang bilang ng mga benepisaryo mula 300,000 sa unang taon hanggang 300,000 sa pangalawang taon at 400,000 sa pangatlong pagkakataon, may kabuuang isang milyon na food-poor household beneficiaries. Kris Jose