MANILA, Philippines – Nalunod ang isang tindera ng isda nang lumubog ang sinasakyan nitong bamboo raft kasama ang kanyang asawa at anak sa Abra River sa Barangay San Mariano, Bantay, Ilocos Sur sa kasagsagan ng Bagyong Marce nitong Biyernes, Nobyembre 8.
Ayon kay Rhon Arquelada, pinuno ng Ilocos Sur Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), ang biktima ay kinilalang si Mary Ann Daria, 47, mula Barangay San Mariano.
Ani Arqueleda, tinatawid ng biktima kasama ang asawang si Noli at anak na si Edward, ang Abra River patungo sa munisipalidad ng Santa para hanapin ang kanilang mga kambing, nang malunod ito sa gitna ng ilog dahil sa lakas ng agos nito.
Nagawang mabalik ni Edward ang kontrol sa raft at nasagip ang ama ngunit nawala na ang kanyang ina.
Nagpapatuloy ang search and retrieval operations para kay Mary Ann. RNT/JGC