Home NATIONWIDE P50M dormitory sa evacuees, athletes itatayo sa NegOcc

P50M dormitory sa evacuees, athletes itatayo sa NegOcc

MANILA, Philippines – Plano ng pamahlaaang panlalawigan ng Negros Occidental na magtayo ng P50-million, five-story multi-purpose dormitory sa Pana-ad Park and Stadium sa Barangay Mansilingan para sa mga evacuee at mga atleta.

Ayon kay Provincial Administrator Rayfrando Diaz II, ang unang module na kayang magpatira ng nasa 500 indibidwal ay itatayo gamit ang badyet mula sa ipon ng provincial capitol.

“We will implement this building by building,” ani Diaz.

Sinabi pa nito na inaprubahan ni Gov. Eugenio Jose Lacson ang master plan at ipinag-utos na isaprayoridad ang proyekto.

“This will be a decent evacuation and facility for athletes and visitors from other regions if there’s sporting events in the province,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Diaz na kailangan ng provincial capitol ng mas malaking espasyo para sa full implementation at konstruksyon ng gusali na may kapasidad na 5,000. RNT/JGC