MANILA, Philippines – Mahigit 20 maliliit na bangka ng mga mangingisda sa Zambales ang magsasagawa ng collective fishing expedition sa West Philippine Sea (WPS) upang igiit ang kanilang karapatan sa kabila ng unilateral fishing ban ng China sa South China Sea.
“There is no better way to assert fishing rights in our exclusive economic zone than to conduct a collective economic activity,” ayon kay Ronnel Arambulo, PAMALAKAYA national vice chairperson.
Maglalayag ang fishing expedition sa 20 hanggang 30 nautical miles ng Masinloc.
Ang send-off mass ay idaraos alas-3 ng hapon ngayong Huwebes, Mayo 30, at ang mga kalahok na bangkang pangisda ay magsisimulang maglayag alas-4 ng hapon. Ang fishing expedition ay isasagawa naman mula alas-7 ng gabi.
Babalik sa dalampasigan ang mga lumahok na bangka alas-6 ng umaga ng Biyernes.
Nauna nang nagprotesta ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa fishing ban ng China dahil nilalabag nito ang international law at tumapak sa soberanya at maritime rights ng bansa.
Hindi rin kinilala ng Manila ang May 1 to September 16 fishing moratorium ng China dahil kasama rito ang maritime zones ng Manila kung saan mayroong soberanya, sovereign rights at jurisdiction ang Pilipinas.
“The Philippines called on China to cease and desist from the conduct of illegal actions that violate the Philippines’ sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction in its maritime zones,” saad sa pahayag ng DFA.
Hinimok din nito ang China na “comply with its obligations under international law, particularly the 1982 UNCLOS and the final and binding 2016 Arbitral Award; and adhere to its commitments under the 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.”
Swapang na inaangkin ng China ang kabuuan ng South China Sea kasama ang mga lugar na pasok pa sa exclusive economic zone ng Pilipinas. RNT/JGC