Home NATIONWIDE Above normal rains pagsapit ng Oktubre, inaasahan ng PAGASA

Above normal rains pagsapit ng Oktubre, inaasahan ng PAGASA

MANILA, Philippines – Inaasahan ng PAGASA ang above normal rains simula Oktubre, kasabay ng pagpasok ng La Nina.

Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction chief Ana Liza Solis, inaasahan ang mas maraming weather system na nagdadala ng mga pag-ulan katulad ng localized thunderstorms, shearline, frontal system, monsoons rains, low pressure areas, at mga bagyo.

“Prevalent pa rin ang monsoon break pag May and June. Mararanasan pa rin natin ang maiinit na panahon. Possible pa rin ang dangerous heat index natin,” ani Solis sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.

“By August, September, October, November, ‘yan ‘yung nakikita natin na may mga bagyo na posibleng ang hatid nito ay mas maraming tubig.”

Nitong Miyerkules, idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan. RNT/JGC