Home SPORTS FIVB Volleyball Men’s World Championship paghahanda ng Alas Pilipinas

FIVB Volleyball Men’s World Championship paghahanda ng Alas Pilipinas

284
0

MANILA, Philippines – Sasabak sa matinding ensayo ang mens volleyball team ng bansa na Alas Pilipinas para sa FIVB Volleyball Men’s World Championship.

Tutulak ngayon ang ang koponan sa Morocco, Romaina at Portugal para doon isagawa ang pagsasanay.

Pangungunahan ang Alas Pilipinas nina Italian coach Angiolino Frigoni at mga pangunahing manlalaro na sina Marck Espejo, Bryan Bagunas, Owa Retamar, Kim Malabunga, Steven Rotter, Jack Kalingking at Vince Lorenzo.

Ang Alas ay nasa pang-apat na puwesto sa dalawang legs ng 5th SEA V League na ginanap sa Candon, Ilocos Sur at Indonesia.

Sisipa ang laro ng Alas Pilipinas sa Setyembre 11 at makakaharap nila ang Tunisia na isang 11-time African champion at makakasagupa din nila ang Iran at Egypt.

Papalo ng preliminary games mula Setyembre 12 hanggang 18 sa Araneta Coliseum samantalang ang knockout stage ay gaganapin sa Mall of Asia Arena mula Setyembre 20 hanggang 28.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here