Home SPORTS Jericho Cruz, Guam giba sa Iran sa Asia Cup debut

Jericho Cruz, Guam giba sa Iran sa Asia Cup debut

315
0

MANILA, Philippines – Maagang natambakan sina Jericho Cruz at Guam at nalasap ang 77-52 pagkatalo sa kamay ng Iran sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa FIBA Asia Cup sa Jeddah, Saudi Arabia kahapon.

Kumamada si Cruz ng 11 puntos na may 4 rebounds at 2 assists bilang isa sa dalawang manlalaro sa double-figure scoring para sa Guam, na naghabol sa 10-23 sa pagtatapos ng opening quarter at hindi na nakabawi.

Naging madali ang panalo ng 3-time champion Iran kontra Guam kungsaan apat na manlalaro nito ang umiskor ng twins digits sa pangunguna ni Matin Aghajanpour, na nagpalabas ng 19 puntos na binuo sa 6 na triples.

Umiskor sina Sina Vahedi at Mohammad Amini ng 15 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang ang beteranong si Arsalan Kazemi, ngayon ang pinakamatandang miyembro ng Team Melli sa edad na 35, ay nagbigay ng 10 puntos, 12 rebound, 4 na assist, at 4 na steals.

Nanguna si Tai Wesley sa Guam na may 18 puntos at 9 rebounds.

Tulad ng mga kasamahan sa San Miguel na sina June Mar Fajardo at CJ Perez na sumali sa Gilas Pilipinas para sa Asia Cup sa kabila ng pagiging bago sa pangunguna ng Beermen sa Philippine Cup crown, pinili ni Cruz na kumatawan sa Guam sa continental tiff.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here