Home NATIONWIDE FL ‘di maniniwala sa peace distractions sa BARMM- Mangudadatu

FL ‘di maniniwala sa peace distractions sa BARMM- Mangudadatu

Maguindanao, Philippines- Inihayag ni dating Maguindanao governor Esmael “Toto” Mangudadatu na hindi paniniwalaan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang mga nangyayaring peace distractions sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ito ang sinabi ni Mangudadatu sa isang video message kung saan pinangalanan niya rin ang mga taong gumagawa ng peace distractions.

“Hintuan na niya ang panggagamit kay Unang Ginang. Alam ko naman ang Unang Ginang ay mas mataas ang pinag-aralan sa amin. Huwag ho magpadala. Alam ko naman hindi siya nagpapadala eh,” aniya ni Mangudadatu.

Sinabi ni Mangudadatu na kanyang mga kamag-anak ang umano’y nag-aagawan sa pinakamataas na posisyon sa BARMM.

Kabilang dito sina Suharto “Teng” Mangudadatu, ang dating pinuno ng Tesda, at Mariam Mangudadatu, ang gobernador ng Maguindanao del Sur.

“Si First Lady, tulad ng sinabi ko, professor yan eh, abogada ‘yan eh, lawyer ‘yan eh. Hindi siya magpadikta sa isang tao na alam naman niya puro dakdak lang. Puro Pangalan lang ang gagamitin. Puro sa power lang nila. Eh kasi sa totoo lang, maniwala kayo sa akin. Ganun talaga ang ugali nila Teng. Mag name-dropping,” giit niya.

Nauna rito, sinabi ni Mangudadatu na hindi dapat maapektuhan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga pahayag nina Teng at Mariam at sinabing mga maling akusasyon iyon.

“Nirerespeto nila si Presidente Marcos na ipatupad lahat ang mga programa at proyekto,” aniya.

Sinabi pa ng dating gobernador na maraming proyekto ang ipinapatupad sa BARMM. RNT