MANILA, Philippines – Muling namayagpag si Ka Rex Cayanong sa industriya ng sabong matapos sikwatin ang solo champion sa katatapos na 4-Stag Derby – Local/National Banded na binitawan sa ruweda ng Baras Cockpit Center sa Rizal noong Sabado.
Gamit ang entry name na Ka Rex 1.1M No Pot 6-Cock March 30, San Pedro, umiskor ng perfect points si Cayanong upang sikwatin ang tumataginting na P300,000 sa pa derby ni EXNIHILO RASBA CJS DRAGON.
Co-owner ni sabong sensation Cayanong si Tajon Pillas, ang handler nila ay si Edison Fernandez assistant niya si Sarge habang ang gaffer ay si Vincent Mandique.
Unang kinabog ng warriors ni Cayanong ang entry na Nov 30- 2-HITS sa LCA kung saan ay puti ang ginamit upang kalusin sa isang angatan ang pula ng kalaban.
Second fight ng Ka Rex/1.1M No Pot 6-Cock March 30, San Pedro ay ang December 27- 4 stag CDM ni Boss Baldo na palitan ng palo bago nagkatalo. Pinagpag ni Cayanong sa third fight ang Kap Konse \ Ferrer at pang-apat ang Golden Lamberto Jan 17- 4 cock Pillia kung saan ay bulik ang ginamit at nakipagbasaan sa Talisain ng kalaban, palakpakan ang mga taga Baras Rizal pagkatapos ng sultada.
Naka pitong kampeonato na si Cayanong ngayong 2024 kaya posibleng madagdagan pa ito dahil may sasalihan pa siyang mga derbies.
Unang kampeonato ni veteran broadcast journalist, Cayanong ngayong 2024, ang 3-Stag sa Angono, 4-Stag sa San Roque, sunod ang 6-Stag sa Antipolo, 5- Stag Derby AEJ Game Farm sa Mataas na Kahoy Cockpit sa Batangas noong Setyembre 28 at 5-STAG INVITATION DERBY Pasay City Cockpit noong Oktubre 10, huli ang 5-Stag Invitational Derby, Local Band noong Oktubre 25.
Samantala, puntirya ni Cayanong ang pang-walong kampeonato sa Disyembre.ED