Home IN PHOTOS FL Liza, Digital Entertainment company nagbigay-ayuda sa mga hagip ni ‘Kristine’ sa...

FL Liza, Digital Entertainment company nagbigay-ayuda sa mga hagip ni ‘Kristine’ sa Batangas

Personal na inihatid nina First Lady Liza Araneta-Marcos at Mr. Eusebio Tanco ng BingoPlus Foundation ang malaking tulong sa mga naapektuhan ng nakaraang bagyong Kristine sa Talisay Batangas.

Bitbit ang mga ayuda tulad ng relief packs, gamot at cash aid ay tinanggap ng mga residente at lokal na pamahalaan ng Talisay Batangas ang tulong mula sa Unang Ginang at BingoPlus Foundation.

Sinaksihan nina Batangas Gov. Hermilando Mandanas, Vice Gov. Mark Liveste, DSWD Sec. Rex Gatchalian, Bacolod City Mayor Albee Benetiz at iba pang opisyal ang paghahatid ng tulong sa mga residente ng Talisay.

Bukod sa mga relief goods at gamot, nagka loob din si Mr. Eusebio Tanco ng BingoPlus Foundation ng cash aid sa mga pamilya ng namatayan na tig-P250 libo bawat pamilya, trabaho, Kabuhayan o livelihood.

Ang BingoPlus Foundation ay social development arm ng DigiPlus, ang nangingunang online gaming entertainment sa bansa.

Sila ay naglaan ng hindi bababa sa 100 million pesos na pondo na ang layunin ay makatulong sa mas marami pang Pilipino na nabibiktima ng mga kalamidad.

Isinusulong din ng BingoPlus Foundation na mas maraming pang Pinoy ang magkaroon ng access sa libreng edukasyon, libreng kabuhayan at libreng pagpapagamot.

Kaya naman binuo nila ang apat na core pillars para mapalawak pa ang mga natutulungan kung saan kabilang dito ang Future Smart Program, Kalusugan Plus Program, Kabuhayan Plus Program at Game Smart Program. RNT