MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Risa Hontiveros nitong Sabado, Nobyembre 9, na ang presidential order para tapusin ang Philippine offshore gaming operators (Pogos) sa bansa ay naglalaman ng mga butas na nagbibigay pagkakataon sa mga ito na makapagpatuloy ng perasyon sa loob ng mga casino at freeports.
Hindi kasi hayagang idineklara ng Executive Order No. 74, na pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Nobyembre 5, ang ban sa mga POGO na sakop ang lahat ng mga establisyimento na wala sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), ani Hontiveros.
“While I laud the aims of the executive order and thankful for the reintegration program for the displaced workers, there are things in the EO that are not clear,” saad sa pahayag ni Hontiveros.
Dagdag pa, sa Section 1b umano ng kautusan, sinabi na “it excludes online games of chance conducted in Pagcor-operated casinos, licensed casinos or integrated resorts with junket agreements.”
“It appears that Pagcor-operated and -licensed casinos are exempted (from the ban) on operating offshore online games of chance,” ani Hontiveros.
“Does this mean that Pogos may be allowed to operate in casinos like City of Dreams or Fontana (Leisure Park)? Or in resorts that operate casinos (inside their property)?” dagdag ng mambabatas.
Sa dalawang hiwalay na Senate inquiries sa POGO-related crimes, ipinunto rin ni Hontiveros na tahimik ang EO sa kapangyarihan ng special economic zones, gaya ng Cagayan Special Economic Zone and Freeport, na nagbibigay ng permit sa offshore gambling companies.
Itinanggi naman ni Cagayan Economic Zone Authority (Ceza) Administrator Katrina Ponce Enrile, na pinayagan ng CEZA ang operasyon ng POGO sa freeport sa Sta. Ana, Cagayan.
“The ‘other offshore gaming licensees’ are those ‘authorized under their respective charters and subject to the supervision and/or jurisdiction of Pagcor,’” sinabi ni Hontiveros.
“But Ceza and Apeco are both outside the supervision and jurisdiction of Pagcor,” dagdag niya.
Ang Apeco ay ang Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority na matatagpuan sa Casiguran, Aurora.
Nitong Sabado sa memorandum ng Malakanyang, inaatasan ang CEZA na mahigpit at agad na sumunod sa kautusan ng Pangulo.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin kay Enrile na, “you are hereby instructed to adhere to the directive issued by the President during his State of the Nation Address on 22 July 2024 regarding the immediate ban of Philippine Offshore Gaming Operators or Internet Gaming Licensees in the Philippines, subject to applicable laws, rules and regulations.”
“For strict and immediate compliance,” dagdag pa. RNT/JGC