MANILA, Philippines- Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang posibilidad na ipatupad ang Matatag Curriculum nang ‘more flexibly’ habang tinutugunan ang learning gap ng bansa.
Sa isang panayam, nilinaw ni Education Secretary Juan Edgardo Angara na mananatili ang Matatag Curriculum sa kabila ng mga panawagan na alisin na ito.
“However, the agency wants it to be adjusted so as not to burden the teachers excessively,” ayon kay Angara.
“Pinag-aaralan na ho namin. I think, hindi naman sa aalisin, pero gagawing mas flexible para depende sa principal, titingnan niya, kamusta ‘yung mga teachers niya, napapagod ba sila,” patuloy niya.
Sinabi pa ni Angara na base sa assessment ng school principal, maaaring siyang gumawa ng ‘proper adjustments’ sa iskedyul ng mga klase.
“Bibigyan namin ‘yung flexibility ‘yung kada paaralan at saka ‘yung kada principal na i-set ‘yung policy sa kanyang eskwelahan,” dagdag na wika nito.
Depende lamang ito sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.
Araw ng Huwebes, may ilang grupo ng mga guro ang inihirit na alisin o suspendihin ang implementasyon ng Matatag Curriculum dahil naging pabigat umano ito sa karamihan sa mga guro.
Ang pagsama ng national learning recovery programs sa curriculum ay nakadagdag ng workloads para sa mga guro, dahil may ilan sa mga ito ay may hawak na pito hanggang walong klase na may minimum na 55 estudyante kada klase, sa kabila ng kaukulangan ng public school teachers.
Hinikayat naman nito ang DepEd na konsultahin ang iba pang mahahalagang stakeholders ukol dito at ang problema ng ‘learning gap.’
“A study made by the Programme for International Student Assessment (PISA) in 2022 reveals that the Philippine education system lags five to six years behind in learning competencies ranking 77th out of 81 countries worldwide,” ayon sa DepEd.
Tinuran ni Angara na lumagda ang learning gap sa panahon ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.
“Yung learning gap natin, parang lumawak siya nung panahon ng pandemya at we’re trying to recover that,” giit niya.
Araw ng Martes, binanggit ni Angara ang pangangailangan na dapat nakatuon ang learning recovery program at interventions ng bansa sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral. habang ang gobyerno ay nakatutok naman sa science-based data gathering. Kris Jose