MANILA, Philippines- Nagpalabas ng abiso ang Philippine Embassy sa Lebanon sa mga mamamayang Pilipino na kagyat na umalis na sa Lebanon habang nakabukas pa ang airport o paliparan sa gitna ng tensyon.
“The Philippine Embassy in Lebanon strongly urges all Filipino citizens to leave Lebanon immediately while the airport remains operational,” ang sinabi ng embahada sa evacuation notice nito.
“We advise all Filipino nationals to prioritize their safety and depart the country as soon as possible,” dagdag na wika nito.
Iyon namang hindi kayang iwan ang Lebanon ay hinikayat na pumunta sa mas ligtas na lugar.
“If you are unable to leave Lebanon, we strongly recommend that you evacuate to safer areas outside of Beirut, South Lebanon, and the Bekaa Valley,” ang sinabi pa rin ng embahada.
Ang mga Pilipino na nais mag-avail ng repatriation ay sinabihan na magsagot ng form.
Sa kabilang dako, sinabi ng embahada na maaaring kontakin ng mga Pilipino ang mga sumusunod na numero para sa karagdagang tulong:
Para sa lahat ng OFWs (documented o undocumented): +961 79110729
Para sa mga overseas Filipinos (dependents na may Permanent Resident Status, i.e., wife iqama): +961 70858086