Manila, Philippines – Mahahalata sa himig ng pananalita ng nakababatang kapatid ng two-time Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo ang kalungkutan nito sa kabila ng tinamong tagumpay ng kanyang kuya.
Emosyonal na ibinahagi ni Eldrew ang kanyang saloobin tungkol sa sitwasyon ng kanilang pamilya.
By the way, tulad ng kanyang Kuya Caloy ay kinakikitaan din ng malaking promise si Eldrew sa gymnastics.
Nagsusumamo kasi si Eldrew na magbalik-loob sana ang kapatid by reuniting with their family.
Matatandaang naging isang headline grabber ang alitan sa pagitan ng ina nilang si Angelica at Carlos.
Damay rin sa isyu ang nobya ni Carlos na si Chloe San Jose.
Ani Eldrew, hiling niya’y tuluyan nang bumalik sa dati ang relasyon at pakikitungo ng kanyang kuya sa kanilang pamilya.
Wala rin daw siyang pakialam kung nagbubunyi ito kapiling si Chloe.
Kung hindi raw maaatim ni Carlos na makipagkasundo sa kanilang ina’y sa tatay man lang nila.
Hindi rin daw interesado si Eldrew sa milyun-milyong pisong natanggap ng kanyang kuya dahil: “Kikitain ko rin ‘yon.”
Naiulat din na posibleng lumahok ang Yulo brothers sa Los Angeles Olympics sa 2028.
Tiniyak ng Pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines ang pagkapanalo rin ni Eldrew.
Kapwa sina Carlos at Eldrew will be on the same team.
Samantala, hangad din ni dating llocos Sur Governor Chavit Singson na makipagkasundo si Carlos sa kanyang pamilya.
Ito bale ang kundisyon niya sa regalong P5 million kay Carlos, na balitang aabot sa mahigit P100 million ang kabuuan ng mga matatanggap na cash at gift incentives. Ronnie Carrasco III