Home NATIONWIDE Flight data recorder ng bumagsak na PAF fighter jet ipadadala sa US

Flight data recorder ng bumagsak na PAF fighter jet ipadadala sa US

MANILA, Philippines – Ipapadala ng Philippine Air Force (PAF) sa Estados Unidos ang flight data recorder ng FA-50 fighter jet na bumagsak sa Bukidnon noong nakaraang linggo para sa data extraction.

Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, ang nakuhang data, kabilang ang altitude, bilis ng hangin, at direksyon ng eroplano, ay ipapadala sa orihinal na tagagawa ng kagamitan sa South Korea upang makatulong sa imbestigasyon.

Mga eksperto sa aviation sa US ang magsusuri nito, na tatagal ng ilang araw.

Samantala, ligtas na pinasabog ng PAF ang mga hindi sumabog na bala at bahagi ng eroplano sa crash site sa Mt. Kalatungan upang maiwasan ang panganib sa komunidad.

Ang FA-50 jet na may tail number “002” ay bumagsak noong Marso 4 habang nasa tactical night operations, na ikinasawi ng dalawang piloto — sina Major Jude Salang-Oy at First Lieutenant April John Dadulla ng 5th Fighter Wing. RNT