MANILA, Philippines – Pinayuhan ng University of the Philippines (UP) ang mga aplikante ng UP College Admission Test (UPCAT) 2026 na huwag i-withdraw ang kanilang aplikasyon kahit may maling impormasyon na nailagay. Ayon sa UP, ang sinumang mag-withdraw ng aplikasyon ay hindi na muling makakapag-apply o makakakuha ng UPCAT ngayong taon.
Para sa mga nais itama ang maling detalye tulad ng email address, pangalan, paaralan, o petsa ng kapanganakan, maaaring makipag-ugnayan sa opisyal na helpdesk: UPCAT 2026 Online Helpdesk.
Nagsimula ang aplikasyon para sa UPCAT 2026 noong Marso 3 at tatagal hanggang Marso 31. Gaganapin ang pagsusulit sa Agosto 2 at 3 sa 116 testing centers sa buong bansa.
Bukas ito sa mga Grade 11 students ng SY 2024-2025 at sa mga Grade 12 students na hindi pa nakakuha ng entrance exam noong mga nakaraang taon.
Dapat kumpirmahin ng kanilang paaralan ang eligibility ng Grade 11 applicants sa Form 2A online portal bago ang Abril 4 at isumite ang kanilang mga grado mula Agosto 4 hanggang 25. RNT