Home NATIONWIDE Imee nagulantang sa pag-aresto kay Digong

Imee nagulantang sa pag-aresto kay Digong

MANILA, Philippines – Ikinagulat ni Senador Imee Marcos ang pagka-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte paglapag nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) galing Hong Kong sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng International Criminal Court (ICC).

Nahaharap si Duterte sa Crimes Against Humanity kasama ang ilang pangunahing personalidad na nagpatupad ng Oplan Tokhang sa war on drugs ng dating administrasyon kabilang si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Sa panayam sa Palompon, Leyte, sinabi ni Marcos na lubhang nakakagulat nang malaman ang pag-aresto sa dating pangulo.

“Kawawa naman si Presidente Duterte…Ang akin kasi, hindi na tayo natuto. Gulo lang ang dulot nito,” aniya.

Naalala ni Imee ang karanasan nong EDSA People Power Revolution noong 1986 nang patalsikin ng taumbayan ang kanyang diktaduryang Ama, si yumaong Presidente Ferdinand E. Marcos Sr., sanhi ng malawakang pandaraya sa 1986 snap elections at katiwalian. Ernie Reyes