Home HOME BANNER STORY Flood control project na sakop ni Goma, posibleng isama House probe

Flood control project na sakop ni Goma, posibleng isama House probe

297
0

MANILA, Philippines – Posibleng isama ng House Committee on Infrastructure sa imbestigasyon ang nasirang flood control project sa distrito ni Leyte Representative Richard Gomez, ayon kay Co-chair Terry Ridon.

Aniya, hindi dapat bumibigay ang mga proyektong pang-imprastruktura sa loob ng limang taon at hihintayin ng komite ang ulat ng DPWH.

Lumabas ang isyu matapos iugnay ni Matag-ob Mayor Bernie Tacoy si Gomez sa proyekto.

Samantala, sinabi ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno na maaaring humarap sa ethics complaint si Gomez matapos niyang i-post sa Facebook ang screenshots ng mga request ng mga mamamahayag para sa panig niya, kalakip ang pangalan at numero ng mga ito, at tinawag pa silang “paid hacks.”

“The Ethics Committee should look into that,” ani Puno, na binigyang-diin na tungkulin ng mambabatas na ipaliwanag ang isyu sa publiko at hindi ang manira ng mamamahayag.

Kinondena rin ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang ginawa ni Gomez, na anila ay pagkakataon sana para maipaliwanag niya ang mga paratang.

Dagdag ni Ridon, nasa media kung magsasampa sila ng reklamo, at posibleng may paglabag sa privacy dahil isinapubliko ang pangalan, numero, at mensahe ng mga mamamahayag.

Parehong nagpaalala sina Puno at Ridon na ang mga opisyal ng gobyerno ay inaasahang kumilos nang may respeto at mas mataas na pamantayan. Wala pang pahayag si Gomez sa isyu. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here