Home ENTERTAINMENT Followers ni Vice Ganda sa socmed, nagbabalikan na!

Followers ni Vice Ganda sa socmed, nagbabalikan na!

317
0

Manila, Philippines- Usap-usapan pa rin ngayon ang mga isyu ng It’s Showtime Host na si Vice Ganda.

Ito ay dahil sa ginawang pasaring ni Vice sa mga DDS at kay dating presidenteng Rodrigo Duterte.

In fairness, kung may mga bumabatikos ay meron din namang nagtatanggol sa sikat na TV host.

Pero sa totoo lang, pati mga followers ni Vice ay nabawasan.

From 20M, naging 19M na lang ang followers ni Vice sa kanyang fan page.

Maraming mga loyal sa mga Duterte ang nag-unfollow sa kanya.

Hindi kasi nagustuhan ng mga DDS ‘yung ‘jetski holiday joke’ sa kanyang concert kamakailan lang.

May mga ipinakita pang mga screenshot bilang pagpapatunay na hindi na sila followers ng isang Vice Ganda.

Dagdag pa ang binanggit ng mga ito na pati raw mga produktong iniindorso ni Vice ay hindi na raw nila tatangkilikin, huh!

Pero ayun nga, hindi raw naman dapat malungkot si Vice dahil may mga nagtatanggol pa rin naman sa kanya at naniniwala silang madaling malampasan ni Vice ang isyung ito, huh!

Sa ngayon ay unti-unti na muling nadadagdagan ang followers ni Vice sa socmed platforms niya. Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here