BATANGAS, Philipines – Namataan ang isang bangkay malapit sa fastcraft berthing area ng Port of Calapan.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), kinilala ang biktima na isa sa mga triulante ng isang fastcraft vessel na Oceanjet na may biyaheng Calapan-Batangas na nakadaong lamang sa pantalan.
Ayon pa sa PPA, agad na nagkaroon ng retival operation ang Philippine Coast Guard Calapan at napansin na matigas na ang labi ng tripulante.
Nakita pa umanong pumasok ang biktima ala-una ng madaling araw.
Dagdag pa ng PPA, hawak na ng Calapan City Police Station (CCPS) ang kaso para sa karagdagang imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden