Home NATIONWIDE Food supply sa Pasko sapat sa kabila ng kalamidad, ASF – DA

Food supply sa Pasko sapat sa kabila ng kalamidad, ASF – DA

MANILA, Philippines- Stable ang food supply sa darating na Kapaskuhan sa kabila ng epekto ng sunod-sunod na pagbagyo at African swine fever (ASF).

Tiniyak ito ng Department of Agriculture (DA- Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center matapos nitong iulat na may 317,316 metric tons (MT) volume ng production loss na nagkakahalaga ng P6.83 billion sa agri-fishery sector dahil sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine (international name Trami) at Typhoon Leon (Kong-rey).

Sa isang panayam, sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel De Mesa na inaasahan na magiging matatag ang suplay sa lahat ng agricultural commodities na may ‘minimal’ na pagsipa ng presyo sa gitna ng Christmas season demand.

“Walang supply (shortage) kasi nababalanse ng importation nung sa bigas, isda, sa gulay naman enough iyong production natin,” ayon kay De Mesa.

Nauna rito, iniulat ng DA ang pagdating ng 3.7 million MT na imported rice, inaasahan na matatakpan ang gap sa local production, naiulat na ang pagkalugi sa palay production ay mahigit sa 800,000 MT, nalampasan ang 500,000 MT hanggang 600,000 MT na annual average palay output loss.

Para sa fish production, nagtamo ito ng 1,780 MT volume production loss na nagkakahalaga ng P665.01 million matapos ang Kristine at Leon, winika ni De Mesa na ang 30,000 MT na imported fish ay mula Tsina at Vietnam ay nagsimulang dumating ‘by batches’ matapos magsulat ang taunang pagsasara ng fishing season.

Pagdating naman sa gulay, sinabi ni De Mesa na nananatiling matatag ang suplay nito kung saan ang itinuturing na lowland vegetables ay inaasahan na makababawi sa mga susunod na linggo.

Iniulat ng DA-DRRM na 37,233 MT ang volume loss sa high-value crops, nagkakahalaga ng P880.15 million dahil sa apekto ng Kristine at Leon.

Sinabi pa ni De Mesa na sapat din ang suplay ng native na baboy para sa lechon, o roasted pigs, para sa Pasko sa kabila ng epekto naman ng ASF.

“Sa baboy, bagamat may problema tayo sa ASF, iyong requirements natin for the holiday season na-programmed na iyan. So, kung ano man iyong pagkukulang na-settle na nila iyan for the rest of the holiday season. So, we don’t see any concern,” anito.

Hanggang noong Agosto, 450.36 million kg. ng imported pork and dumating sa bansa simula Enero, ayon sa DA-Bureau of Animal Industry (BAI).

Samantala, nagpapatuloy naman ang relief at recovery efforts ng DA para tulungan ang lahat ng apektadong sektor sa agrikultura.

Kabilang dito ang distribusyon ng P541.02 milyong halaga ng agricultural inputs, kabilang na ang bigas, mais at vegetable seedlings, at maging ang drugs at biologics para sa livestock at poultry; P500 milyong loanable fund sa pamamagitan ng Survival and Recovery Loan (SURE) program ng Agricultural Credit Policy, katumbas ng P25,000 loanable na halaga kada magsasaka, maaaring itong bayaran sa loob ng tatlong taon na may zero interest; P1 billion Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitation and recovery efforts sa mga apektadong lugar; may P667 milyong halaga ng indemnification fund; deployment ng Kadiwa food trucks para sa mas murang kalakal; at distribusyon ng rice stocks mula National Food Authority (NFA) sa disaster-hit areas. Kris Jose