MANILA, Philippines – Inalis na ang “for sale” sign na napaulat na inilagay sa bahay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.
Nitong Lunes ng umaga, Hunyo 30, tanging ang standees na lamang ni Duterte ang makikita sa harap ng gate ng bahay.
Napaulat na kinumpirma ng common-law wife ni Duterte na si Honeylet Avanceña na ibinibenta na ang bahay, kasunod ng pagkakaaresto sa dating Pangulo at paglilipat dito sa The Hague, Netherlands.
Sa kabila nito, sinabi ng mga volunteer na nagbabantay sa bahay na wala silang nakikitang “for sale” sign at tinawag ang viral post sa social media bilang “fake news.” RNT/JGC