MANILA, Philippines – Patay ang foreman ng isang construction project sa Toledo City, Cebu matapos na mahulog ang sinasakyan nitong trak sa bangin sa Pinamungajan.
Sugatan naman sa trahedya ang siyam pa nitong kasamahan.
Kinumpirma ng Pinamungajan police na nahulog ang dump truck sakay ang walong construction workers mula Dumanjug nang mahulog ito sa bangin sa Purok Maria Clara, Barangay Lamac bandang 1:30 ng hapon nitong Sabado, Agosto 17.
Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na patungong Toledo City mula Dumanjug ang naturang trak.
Nagdesisyon ang drayber ng truck na si Michael Bastida na dumaan sa short cut sa Barangay Lamac.
Habang binabagtas ang pakurba at pababang bahagi ng kalsada ay sinubukan ni Bastida na mag-swerve.
Dito na umano nawalan ng preno ang trak dahilan para mahulog ito sa bangin. RNT/JGC