Home METRO Forest fire sumiklab sa Mt. Arayat

Forest fire sumiklab sa Mt. Arayat

MANILA, Philippines- Naalarma ang mga residente malapit sa Mt. Arayat sa Pampanga nang makitang nagliliyab ang bahagi ng bundok noong gabi ng Abril 17, 2024.

Bagama’t kita ang sunog sa bayan ng Magalang, naganap ang insidente sa bayan ng Arayat, kinumpirma ng Magalang Municipal Disaster Risk Reduction Office.

Batay sa inisyal na ulat mula sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Magalang, nagsimula ang sunog dakong alas-4 ng hapon sa itaas na bahagi ng Barangay Baliti, Arayat, at iniimbestigahan pa ang mitsa ng sunog, habang sinusulat ito.

Tinatayang 18 ektarya ng lupa ang nagliyab, kabilang ang isang private property at parte ng protected forest reservation area ng kabundukan.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente.

Ito ang ikalawang forest fire sa kabundukan ngayong Abril 2024.

Samantala, sumiklab din ang grass fires, na tumupok sa halos 12 ektarya ng damuhan sa Dagupan City at Calasiao, Pangasinan. RNT/SA