MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang billionaire founder ng South Korean internet conglomerate na Kakao nitong Martes, Hulyo 23 dahil sa pagmamanipula sa presyo ng stocks sa pagbili nito ng K-pop powerhouse na SM Entertainment.
Inakusahan ng prosekusyon ang Kakao na bumili ng 240 billion won o $173 million halaga ng SM shares sa 553 okasyon noong Pebrero 2023 sa lumulobong presyo para hindi ito mabili ng HYBE.
Bumili ang HYBE ng 14.8 percent stake mula sa founder ng SM na si Lee Soo-man, at nangakong bibili pa ng mas maraming share sa halagang 120,000 won bawat share ngunit kalaunan ay iniurong nito ang planong pagbili matapos lumobo ang presyo ng stock ng SM.
Inaprubahan ng Seoul Southern District Court ang arrest warrant laban kay Kakao founder Kim Beom-su, dahil sa pangambang pagtakas nito at pagsira ng ebidensya.
Kinwestyon din ng mga awtoridad ang iba pang opisyal ng Kakao.
“I believe the facts will be revealed in the end as I have never ordered or tolerated any illegal activities,” ani Kim sa panayam ng AFP sa kompanya.
Naniniwala naman ang mga eksperto na magdudulot ng problema sa kompanya ang pagkakakulong ng lider nito.
“Kakao’s AI-based innovation will likely meet difficulty due to the absence of the head of the company, and the group will have to focus its efforts on eliminating total risk and judicial risk,” sinabi ni Choi Kyoung-jin, law professor mula sa Gachon University sa South Korea.
“The risk of the group due to the leader being absent from Kakao will probably continue for a considerable period of time,” dagdag pa niya. RNT/JGC