MANILA, Philippines – Patay ang isang magsasaka at anak nito matapos masangkot sa aksidente sa Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur nitong Lunes, Hulyo 22.
Kinilala ni Lt. Salonga Langguyuan, municipal police chief ng Datu Anggal Midtimbang, ang mga nasawi na sina Mustapha Dalandan, 25, at anim na taong gulang na anak nito.
“Injured and in critical condition at a hospital were Dalandan’s wife, Baimen, and their two other two children, aged eight and six years old,” sinabi ni Langguyuan sa panayam sa radio.
Sa ulat, sakay ang mga biktima ng isang tricycle na minamaneho ni Dalandan nang banggain sila ng commuter van habang sinisikap sanang mag-U-turn sa national highway.
Tumilapon ang mga bata palabas ng tricycle at nagtamo ng seryosong pinsala sa katawan.
Nasa kustodiya ng Datu Anggal Midtimbang municipal police ang drayber ng van na si Khadafie Guiamaludin.
Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in homicide and injuries laban sa van driver. RNT/JGC