Home NATIONWIDE Pamahalaan naglaan ng P9.5B pondo sa 2025 medical allowance ng gov’t workers

Pamahalaan naglaan ng P9.5B pondo sa 2025 medical allowance ng gov’t workers

169
0

MANILA, Philippines – Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng kabuuang P9.5 bilyong halaga ng badyet para sa medical allowance ng mga empleyado ng pamahalaan sa 2025.

Ang anunsyo ng DBM ay kasunod ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (Sona) ng karagdagang benepisyo sa government employees.

“Para naman sa ating mga kawani ng gobyerno, mayroon silang maaasahang medical allowance bilang karagdagang benepisyo sa susunod na taon,” sianbi ng Pangulo.

Ayon sa DBM, makatatanggap ng medical allowance bilang subsidy sa kanilang health maintenance organization (HMO) benefits o HMO-type benefits ang mga empleyado ng pamahalaan sa susunod na taon.

“For its implementation, a total of P9.5 billion has been allocated under the Miscellaneous Personnel Benefits Fund for 2025,” saad sa pahayag ng DBM nitong Martes, Hilyo 23.

Sakop ng medical allowance ang mga empleyado na nasa ilalim ng national government agencies, state universities at colleges, at government-owned or -controlled corporations ng executive department.

“Sa pamamagitan po ng pagbibigay ng medical allowance sa ating mga lingkod-bayan, matutulungan po natin silang maibsan ang kanilang medical expenses kung kinakailangan, at masigurong napangangalagaan ang kanilang kalusugan,” ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here