Home SPORTS Foxies nilayasan ni Lodi

Foxies nilayasan ni Lodi

231
0

NAGPAALAM na si Alessandro Lodi bilang head coach ng Farm Fresh Foxies matapos ang pitong buwang pagtimon sa koponan matapos lumabas ang kanyang pahayag sa social media nitong Huwebes ng gabi. Lumabas ang balitang ito ilang oras matapos lumabas ang ulat na posibleng huling laro na ni Lodi ang quarterfinals exit ng koponan.

Nagpasalamat ang 46-anyos na mentor sa pamamagitan ng isang Instagram story na nagmarka sa pagtatapos ng kanyang pananatili sa bansa.

Sa kanyang mensahe, tinawag ni Lodi na intense ang pitong buwan na kanyang ginugol kasama ang Foxies.

Pinuri niya ang kanyang mga players, coaching staff, at suporta ng fans, na aniya’y naging dahilan ng kanilang mga tagumpay at pag-unlad sa gitna ng maraming hamon.

Binigyang-diin niya na naging makabuluhan ang kanilang samahan, kung saan sila’y nagdiwang, nalungkot, at sabay-sabay na lumago bilang isang grupo.

Sa ilalim ni Lodi, nakapagtala ang Foxies ng makasaysayang top seed finish sa PVL Reinforced Conference matapos ang impresibong 7-1 record. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa dalawang taong kasaysayan ng prangkisa na napunta sila sa tuktok ng standings pagpasok ng playoffs.

Tinambakan ng realidad ang kanilang Cinderella run nang agad silang mapaslang sa quarterfinals ng Akari Chargers, ang No. 8 seed na kalaunan ay nakakuha pa ng bronze medal.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here