Home SPORTS Higante ibabangga ng Black Bears sa Bolts

Higante ibabangga ng Black Bears sa Bolts

284
0

MAGPAPAKILALA ng bagong reinforcement ang Macau Black Bears pagharap nila sa Meralco Bolts ngayong Sabado sa Ilagan, Isabela at ito ay walang iba kundi ang higanteng si Sam Deguara.

Kasabay ito ng inaabangang debut ni Justin Brownlee para sa Bolts sa pagpapatuloy ng EASL Home and Away Season 3.

Kapwa naghahanda ang dalawang koponan sa isang mainit na rematch matapos ang unang engkuwentro nila sa Cebu City.

Si Deguara, na naglaro para sa Black Bears noong nakaraang season, ay may average na 15.2 puntos at 12.8 rebounds sa anim na laro sa EASL.

Pinaniniwalaang kailangan ng Macau ng lakas sa ilalim ng ring matapos silang durugin ng Meralco sa rebounding battle, 60-37, sa huli nilang pagkikita.
Doon ay nagtala si Meralco import Ismael Romero ng 28 rebounds, isang bagong EASL record.

Sisikapin ding tulungan ni Deguara ang star guard na si Damian Chong Qui, na kumamada ng 25 puntos sa kanilang unang laro kontra Meralco.

Sa kabila ng kanyang mahusay na shooting at playmaking, kapos pa rin ang suporta ng koponan kontra sa opensa nina Rondae Hollis-Jefferson at Romero. Umiskor ng 34 puntos si Hollis-Jefferson sa Cebu, habang nagdagdag pa si Romero ng 25 puntos.

Nasa magandang momentum ang Bolts matapos ang dalawang sunod na panalo kaya nasa solo second place na sila sa Group B na may 2-2 record. GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here