Home NATIONWIDE FPJ Panday Bayanihan Partylist umani ng suporta mula sa San Jose, Batangas

FPJ Panday Bayanihan Partylist umani ng suporta mula sa San Jose, Batangas

FPJ Panday Bayanihan Partylist’s First Nominee, Brian Poe, Vanessa Patron, Senator Grace Poe, Mayor Ben Patron, and FPJ Panday Bayanihan Partylist’s Second Nominee, Mark Patron

MANILA, Philippines- Habang ang bansa ay naghahanda sa midterm election, ang FPJ Panday Bayanihan Partylist ay pumapaimbulog sa Batangas, umaakit ng mahigit 12,000 taga-suporta sa kanilang Miting de Avance sa FPJ Arena.

Ang kahanga-hangang dami ng dumalo ay bahagi ng mas malawak na alon ng suporta na nagaganap sa buong bansa, nagpapahiwatig ng mataas na potensyal para sa partylist na makakuha ng higit sa isang upuan sa Kongreso at maghatid ng serbisyo na nakatuon sa komunidad sa pambansang antas.

“Sa lahat ng nakikita kong surveys…laging nasa top 5, top 3, sa Luzon top 2 ang FPJ Panday Bayanihan Partylist. At ‘yan po ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa tulong niyo. Alam natin itong San Jose ay balwarte po ng FPJ Panday Bayanihan dahil dati pa umiikot at naghahatid ng tulong si Kuya Mark Patron hindi lang dito sa San Jose pero sa iba’t ibang panig ng Batangas. Kaya dito sa Batangas, balita ko, may nakita akong survey na number one ang FPJ Panday Bayanihan Partylist,” sabi ni Brian Poe, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan partylist.

“Naniniwala po ako na si Kuya Mark ay magta-trabaho para sa mas magandang kinabukasan, hindi lang para sa San Jose pero para sa ating bansa,” dagdag pa ni Poe.

Binigyang-diin naman ni Mark Patron, pangalawang nominee ng partylist, ang kanyang dedikasyon sa mga tao: “Ako po si Mark Patron lumalapit sa inyo ngayon nagpapakilala, ako po ang second nominee ng FPJ Panday Bayanihan Partylist… Sa dami-dami ng pwedeng piliin ni Sen. Grace Poe at Brian, ang napili po nila ay isang Batangueño, kasi naniniwala po sila sa kakayahan ng mga Batangueño at sa suporta ng Batangas.

Kaya naman sana ‘wag po natin kalilimutan at pababayaan ang FPJ Panday Bayanihan. Hindi pa po partylist, hindi pa po nakakaupo pero ngayon po ay nagsisimula at matagal na pong tumutulong sa bawat mamamayang Pilipino.”

Sa pahayag, ginunita ni Sen. Grace Poe ang alaala ni Da King, ang pamana ni FPJ sa pagpapahalaga, pagpapakumbaba at pagtitiyaga na kanyang natutunan mula sa kanyang ama.

Nagbigay ng taimtin na suporta din si Luis Manzano, tumatakbong bise gobernador ng Batangas, sa FPJ Panday Bayanihan partylist nang ihayag niya ito sa grand rally.